MMMiii!

~ Say it out Loud! ~


I Am A Filipino; Pilipino Ako

24 September, 2007 (02:39) | Blogs, Education, Philippines | By: Mi

This is a reply to someone else’s post about using Tagalog as the language of a Filipino blog.

I’m going to translate this some other time. kthx

/me hugs Zero and Yu


Sagot ito sa post na pinoy? ni irzh. Masyadong naging mahaba ang sagot ko kaya ginawa ko na lang na isang buong post.

this is a group for pinoys right????? so why do most people here.. post using english?? magtatagalog ako sa ayaw at sa gusto niyo.. pinoy tayo ano ba!! meron tayong sariling wika bakit kelangan pa nating gamitin ang wikang ingles??? ano pangsilbi ng pambansang wika kung gagamitin lang lagi ang wika ng mga taga ibang bansa?? inaamin ko ginagamit ko rin ang wikang ingles.. pero sa tingin ko dapat kung mga pinoy talaga dapat ay mas madalas na gamitin ang tagalog dahil ito ang wika natin.. hindi ko talaga maintindihan na

sa isip ng mga pinoy na kagaya ko.. siguro ikinakahiya ng iba na pinoy/pinay sila dahil naghihirap ang Pilipinas.. panong hindi maghihirap, e wala naman ginagawa ang bawat isa.. sabi nga “nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa”.. naiinis lang ako kaya sinulat ko ito.. bahala na kung may magalit sinasabi ko lang ang nasa loob ko.. kung magkakaisa lang sana at magtutulungan tayong lahat may pag-asa pa tayo umunlad hindi ba???

depende rin kasi

una, hindi natin dapat ilimita ang wika ng pagiging Pilipino sa Tagalog lamang. Marami tayong wikasa Pilipinas, hindi lamang ang Tagalog. Ngunit maaari mo ngang sabihin na Tagalog ang pinakalaganap na wika ng Pilipinas dahil sa “Filipino.”

pangalawa, kung sa aling wika mas kumportable ang isang tao sa pagsusulat. Nariyan na tayo na para rin nating sinasabi kung ano ang mga isinusulat natin, pero iba pa rin talaga ang pagsusulat at pagsasalita.

pangatlo, mas malawak ang maabot ng ating mga blogs kung sa ingles ang wika ng panulat. Wala

ang wika natin na instant translate. hindi sa ikinakahiya o kung ano pa man. Halimbawa, karamihan ng mga nagbabasa sa blog ko ay mga ka-chat ko sa ibang bansa. paano nila maiintindihan ang blog ko kung karamihan ng mga sinusulat ko ay nasa wikang Filipino? Ayokong isalin sa Ingles ang bawat post ko kung gusto kong ipabasa sa kanila.

Hindi kailangang ipagmalaki ang sarili kung Pinoy o Pinay tayo sa pamamagitan ng wika. Kung mas malawak ang maaabot ng ating mga blog, kung mas maraming makakabasa, kailangan ang blog mo rin ay makapagpakita ng pagiging Pilipino (katulad ng Proudly Pinoy logo na lagi kong nakatatamarang nakakalimutang ilagay rin sa blog ko). Kailangan rin maganda ang nilalaman ng blog mo. Sa gayong paraan maipagkakalat mo pa rin naman na Pilipino ka di ba?

Gusto ko ring itaguyod ang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng wika, pero wala nang magbabasa ng blog ko kundi mga kapwa Pilipino din. Halos wala na ngang nagbabasa, babawasan ko pa ang mga nagbabasa.

Wala rin naman akong sinasabi na kailangan Ingles lang ang gamitin.

Yun nga lang, aaminin ko. Mababa ang kabihasan ng maraming Pilipino sa Ingles maging sa Filipino, at sa palagay ko at dapat pagsanayan ng isa-isa ang isang wika. Katulad ko, mahina ako sa paggamit ng Filipino, subalit kapag may pagkakataon, sinusubukan kong gamitin ito ng maayos.

Ang kaunlaran natin bilang bansa ay naapektuhan ng wika, oo. Maaari nating sisihin ang sistemang pang-edukasyon natin. Kung titingnan mo ang sakop ng pinag-aaralan, hindi gaanong itinataguyod ang pagiging Pilipino. Mababa ang halaga ng mga sabjek na Filipino at HeKaSi/Araling Panlipunan. Yung Makabayan ay pinagsama-sama lahat sa isang sabjek ang mga dapat magkakahiwalay. Dahil dito, wala tayong pagmamahal sa bansa, at hindi tayo magkaisa. Hindi tayo umuunlad dahil kulang ang pagmamahal natin sa sarili nating bansa.

Yun lang naman ang aking palagay.


I have exhausted my Filipino vocabulary for this post. orz

If you enjoyed this post, make sure you subscribe to my RSS feed!

Comments

Pingback from links for 2007-09-24 « PinoyBlurker @ PinoyBlogoSphere.com
Time: September 24, 2007, 11:27 pm

[…] I Am A Filipino; Pilipino Ako | MMMiii! […]

Pingback from links for 2007-09-24 « PinoyBlogoSphere.com | PhilippineBlogoSphere.com
Time: September 24, 2007, 11:29 pm

[…] I Am A Filipino; Pilipino Ako | MMMiii! […]

Pingback from PiNoYBLuRKeR@PinoyBlogoSphere.net » Blog Archive » links for 2007-09-24
Time: September 24, 2007, 11:30 pm

[…] I Am A Filipino; Pilipino Ako | MMMiii! […]

Write a comment