MMMiii!

~ Say it out Loud! ~


Date: March 17th, 2004

OK ok… guess what. My Brother IKS has a new GF. My brother JP still has his GF among the others, my baby cousin James has reconciliated with his GF (they’re 16) my cousin Mark has a girlfriend (not really but i think it’ll be them soon) my cousin Charles has a BF (martin, his anime buddy) and me.. what.. i’m.. DATELESS! i’m LOVELESS lol. oh well.

The other song that was on my mind yesterday was… here:



Ang Pag-Ibig Kong Ito

.:Moonstar88:.

Umiiyak ang aking puso’t nagdurusa

Ngunit ayokong kanyang makita

Kahit anong sakit ang aking naranasan

Yan ay ayokong kanyang malaman

Mga araw nang nagdaan

Kailanman’y hindi malilimutan

Kay tamis ng araw ng pagmamahalan

Ang akala ko’y walang hangganan

Ang pag-ibig kong ito

Luha ang tanging nakamit buhat sa yo

Kaya’t sa Maykapal twina’y dalangin ko

Sana kapalaran ko ay magbago

And the translation:

This love of mine

My heart is crying and in agony

But I don’t want him to see it

No matter how much pain i’ve gone through

I don’t want him to know about it

The days that passed by

I’ll never ever forget

How sweet the days of loving

That I thought would never end.

This love of mine

All i got were tears

So to God I pray everyday

That my destiny would change

It fits PERFECTLY for me.

The final exam for PI 100 (it’s not Putang Ina 100.. it’s Philippine Institution 100: Life and Works of Rizal) was take home. we’re to write an essay in Filipino about his ideas and the present age. I thought I could finish it in 2 hours, under two hours and guess what?? IT TOOK ME 5 FUCKING HOURS to finish it! ! damnit! i’m broke!

i am NOT going to translate this one but here it is.

~~~~~

Tukuyin at talakayin ang kahalagahan ng mga ideya ni Rizal sa kasalukuyang panahon.

Marami sa mga ideya ni Rizal noong panahon niya ay hanggang ngayon ay mayroong mga mahahalagang papel na ginagampanan sa pang-araw-araw na buhay natin.

Napakaraming ideya ni Rizal tungkol sa edukasyon. Mula sa kahalagahan nito, hanggang kakulangan at sa mga nais niyang magbago sa sistema, hanggang sa magiging kinabukasan ng ating bayan kaugnay nito. Paulit-ulit niyang itinatatak sa isip natin ang kahalagahan ng edukasyon. Ito raw ang magiging daan patungo sa kaginhawaan. Kaya marami siyang puna noon na mapapansin na magpasahanggang ngayon ay medyo katulad rin.

Isa ang pagkahuli natin. Kung noon ay huling huli ang mga itinuturo ng mga Kastila sa atin, ngayon ay hindi naman sa huling huli tayo, ngunit, medyo napag-iiwanan na rin. Isang dahilan ng pagkahuli natin ay hindi lahat ng magagandang mga gamit para sa pag-aaral ay kayang mabili ng mga mag-aaral. Kunyari, mga computers, o internet, o mga high-tech na gamit sa mga kursong inaaral, hindi lahat ay mura para madling mabili, at hindi rin naman kaya ng gobyerno na tustusan ang lahat ng pangangailangan ng mga mag-aaral. Pangalawa, mapapansin na sa mga libro, minsan ay lumang luma na ang ginagamit at hindi na akma sa panahon. Ang ilang libro rin mula sa ibang bansa na sa kanila ay obsolete na ay ginagamit pa rin natin. Pangatlo, kulang ang mga guro. Karamihan ng mga magagaling na guro o mga nakapagtapos ay kadalasang nangingibang bayan dahil sa mas marami at magagandang oportunidad.

Ilan lamang ito sa mga dahilan, pero, ang puna ni Rizal noong panahong iyon ay nag-evolve sa makabagong panahon, na gayunpaman, huli pa rin tayo sa pangkalahatan.

Ang mga guro, ayon kay Rizal, ay dapat nagbibigay ng sigasig sa mga mag-aaral para mag-aral. Kung dati?y namamalo, o napaka-istrikto, ngayon naman, marming mababalita tungkol sa katiwalian, pagkairesponsable, at kung anu-anong balita tungkol sa mga guro. Kunwari, may mga guro na nagbebenta ng kung anu-ano sa mga mag-aral niya. Minsan pa?y Ire-require niya ang mga ito. O kaya, may isang gurong nangmomolestiya ng kanyang mag-aaral. O di kaya, may mga gurong napakawalang kwentang magturo. Paano naman gaganahan ang mga mag-aral? Nakakawalang gana.

Napakaraming aral ni Rizal tungkol sa edukasyon. Siguro dapat higit na pagtuunan ng pansin ang mga aral ni Rizal tungkol sa pagtuturo, at isagawa ang mga ito. Dapat rin ang mga mag-aaral ay pagtuunan nila ng pansin ang pag-aaral. Ngayon, sikat ang mga kabataan pagdating sa mga rally.

Tulad ng sabi ni Rizal, ang edukasyon ang makakapaghatid sa atin ng redempsyon sa kahirapan. Dati ay ninais ni Isagani na magtayo ng paaralan sa wikang Kastila, ngunit sinabi ni Simoun na dapat ang pagsipagan niyang maitaguyod ang paaralan na itinuturo ang sariling wika. Ngayon, pinabalik ng pangulo ang pagtutro sa mga asignatura sa Ingles kasi raw bumaba raw ang ating English Proficiency. Ngayon, makakakita ka ng bata na hindi marunong magtagalog. Kasi Ingles lang ang alam niyang wika. Sa mga private schools, Ingles ang medium of instruction. Maraming kabataan ngayon ang nahihirapan gumawa ng mga essay katulad nito sa tagalog. Nagkalat ang mga conyo. Tapos, kung merong magaling magsalita ng Ingles, siya?y hinahangan. Sabi, Univeral Language ang Ingles. Bakit hindi natin?tayong mga Pilipino?itaguyod ang paggawa natin sa wika natin na kilala sa buong mundo? O kaya, gawin nating Universal Language na rin. Tutal, nagkalat ang mga Pilipino sa buong mundo. Pero, ang ginagawa natin ay yumuyuko tayo sa Ingles at yun ang mas pinagbubutihan. Hindi rin naman masisisi ang mga Pilipino. Wala silang puwang sa mundo kung hindi sila marunong mag-Ingles.

Si Rizal ay ipinanganak na Katoliko at may paniniwalang namatay rin siyang Katoliko. Ngunit, napakarami niyang puna sa pagiging mga relihiyoso ng mga tao. Isa ang paniniwala sa mga milagro. Kaya minsan ay hindi nagtratrabaho ang mga Pilipino o hindi sila nagpapkabuti dahil naniniwala sila sa milagro. Isa ito sa mga dahilang ibinigay ni Rizal kung bakit tamad ang mga Pilipino. Ngayon, marami pa ring Pilipino ang nagpapasa-Diyos ng kanilang kinabukasan. Bago dumating ang mga Kastila ay mayroong mga sariling paniniwala ang mga katutubo. Nung dumating sila, naging mga Kristyano ang mga katutubo. Binatikos ni Rizal ang ilang mga naging kalabasan ng pagiging makaDiyos ng mga tao. Mayroon din namang magandaing naidulot ito. Ngunit parang napakarami ng mali kay Rizal.

Isang dahilan pa ng paghihirap ng mga Pilipino noon ay dahil sa mga Praile. Kung noon ay nakikisawsaw sila sa pagpapatakbo ng pamhalaan, hanggang ngayon ay ganun pa rin. Sabi ni Rizal ay dapat gawin nila ang kani-kanilang mga trabaho. Ngayon, may Presidential Candidate na Religious leader. Hanggang ngayon, parang napakahalaga ng sasabihin ng simbahan tungkol sa pagpapatakbo ng gobyerno. Bakit ba hindi na lang nila gawin ang mga dapat lang nilang gawin? Noon, dapat ang ginagawa nila ay tinuturuan ang mga katutubo ng Wika, ng Katekismo. Pero anong ginawa nila? Ngayon, dapat ang ginagawa ng simbahan ay pinalalaganap ang salita ng Diyos. Ngayon, anong ginagawa nila? Nangunguna sila sa mga rally.

Ang pamahalaan noon, dapat ang ginawa nila ay linangin ang mga katutubo tungo sa sariling pamahalaan. Dapat ay pinaunlad, tinuruan, at sinanay para sa sariling pagpapatakbo ng pamahalaan nila ngunit, dahil sa mga praile at dahil na rin sa mga tiwaling mga pinuno, hindi ito nasunod ng maayos. Kung noon ay mga corrupt ang mga namumuno, hanggang ngayon, corrupt pa rin sila. Sa kakaibang paraan, parang sinabi ni Rizal na pumili tayo ng matinong mga pinuno. Lalo na sa panahon ngayon, panahon ng eleksyon, pakinggan natin si Rizal. Napatunayan niya na sa pamamagitan ng pagsunod ng mga tao sa pinuno nila kaya umunlad ang ilang mga bansa. Matatandaan na pinapag-aralan ni Rizal ang kasaysayan ng mga bansang pinupuntahan niya.

Dapat siguro magbigay ng crash course tungkol sa mga ideya ni Rizal ang mga kandidato para maalala nila kung sakaling nalimutan nila ang mga turo ni Rizal o malaman nila, kung sakaling di nila alam. May papel ang pamahalaan sa katamaran ng mga Pilipino rin. Sa panahon ngayon, ang tunay na tungkulin ng mga politiko ay patakbuhin ng maayos ang bansa, paunlarin, palaguhin, pagyamanin. Hindi magpasikat. Sabi niya, ang pamahalaan ang dapat magdulot ng katahimikan, kaayusan at kaligtasan, para umasenso.

Ang mga Praile ulit? Ano ba ang mga sinumpaan nila? Parang nauuso ang mga paring may asawa?t anak ngayon. Dati ang mga praile. Ngayon ang mga pari. Pinakita ni Rizal ang mga sensitibong mga isyu: Ang moralidad (o imoralidad) ng mga Prayle. Parang uso na ito.

Sinabi ni Rizal na kailangan ng kalinisan ng budhi. Siguro ay para rin ito sa mga politiko ng makabagong panahon. Sabi rin niya, huwag maging mapaghusga. Sa totoo lang, napakasikat ng mga Pilipino sa ibang bansa. Maraming lahi ang galit sa ating lahi. Para raw tayong mga putakti na kahit saan mang sulok ng mundo ay naroon ang mga kalahi natin. Nagiging mapanghusga sila. Bakit? Tayo rin naman ah. Sa ating sariling mga kalahi. Dito mismo sa sarili nating bansa. Kaya hindi dapat tayo nagwawala pag mayroon ulit hate letter tungkol sa mga pinoy na kumalat sa internet. Tungkol naman dito, hindi naman lagi hate mail ang meron. Minsan ito ay mga obserbasyon na sakto, tumatama sa sensitibong mga isyu. Mga katiwalian, mga nakakahiyang statistiko natin, at kung anu-ano pa. Dapat ay tingnan natin ito ng buong dignidad at gawin ang mga dapat gawin para umanda ang tingin nila.

Sinabi rin niya kailangan nating maging mapagpaumanhin, matalino, masipag at matipid, para sa katubusan ng kahirapan. Hanggang ngayon, tama pa rin siya. Hindi rin siya naniniwala sa ?The end justifies the means.? Tulad ng sa FILI, sabi ni Padre Florentino, ?Ang kaluwalhatian ng pagliligtas ay hindi maaaring makamtan ng isang nakatulong sa pagguho ng isang bayan.? Anumang magandang hangarin ay mawawalan ng kabuluhan kung nakapagwasak naman sa pagsaskatuparan ng adhikaing ito. Hindi magiging matmis ang tagumpay kung mayroon namang nawasak. Taliwas ito sa pagkatao ni Simoun sa simula ng nobela, ngunit alam naman nating yung binabalak niya noon. Sa kasalukuyan, maraming nasisira, at hindi rin naman maganda ng kinalabasan.

Ang mga sosyal na aspeto ng mga ideya ni Rizal ay mapapansing patungo ito sa pagbuo ng bansa kaysa sa pang-indibidwal na problema. Una ang tao na mismo. Tapos ang mga nag-impluwensiya sa tao, sunod ang problema sa lahi, ang katuwiran at hustisya, ideyalismo, kahirapan at kayamanan, pagbabago, kabataan, kasaysayan at kaunlaran, at ang kinabukasan. Hanggang ngayon, ito pa rin ang pinroproblema natin.

Ngayon, parang marami sa atin ang nagnanais maging isang kakaibang tao, sa puntong hindi na sila sila. Ibang tao na. Tipong, ginagaya si Britney Spears, o si Christina Aguilera kaya. Nalilimutan natin na noong nabubuhay pa si Rizal, pinaglaban niya ang indibidwalidad niya bilang Pilipino. Ngayon, mas nais natin maging Amerikano o kung ano man. Yung pinaglaban niya sa paaralan niya para maging mas magaling sa mga Kastila ay wala na sa panahong ito.

Kung dati, walang lakas ng loob ang mga Pilipino na magsalita laban sa mga nakatataas, ngayon ay mayroon na. Kung dati, may mentalidad tayong pang-alipin, ngayon, alipin na tayo sa kung saang bayan tayo mapadpad. Naging malaya nga tayo pero nagpapaalipin pa rin. Sa ideyang pang-ibang bansa, sa mga dayuhang mga produkto, sa mga dayuhang mentalidad, dayuhang kultura. Nakakalimutan na natin ang sariling atin.

Ang mga sinabi niya dati, ang pagkawala natin ng pagkakaisa, hanggang ngayon ay wala pa rin. Oo nga?t may mga pangyayari na nagpakita tayo ng pagkakaisa, ngunit, pagkatapos nun, wala na.

Marami? Napakarami pang ideya at ideyolohiya ni Rizal na kung noon ay akmang akma, hanggang ngayon, bagay pa rin. Yung mga puna niya, hanggang ngayon ganun pa rin. Halos wala tayong pinagbago kung tutuusin. Imbis na mga Kastila ang maysakop sa atin, pagnais maging banyaga sa sariling bayan ang umaalipin sa atin. Mga maling pamamaraan, mga katiwalian, at kung anu-ano pa. Mangmang pa rin ang kayraming kabataan. Kung natuloy kaya ang nais ni Rizal, ang mga repormang gusto niyang mangyari, ganito kaya ang lagay ng Pilipinas? O mas malala pa?

~~~~~

If you enjoyed this post, make sure you subscribe to my RSS feed!